Sa dokumentasyong ito ang nailahad ang kaalaman tungkol sa pagkaing kalye :)
Thursday, October 8, 2015
Tuesday, October 6, 2015
Patok at Di Patok
Mga Pagkaing Patok
at
Di Patok sa Panlasa
Sa aking napagtanto sa lahat nang natikaman kong mga pagkaing kalye, talagang may mga gusto at hindi ako gusto. Dito sa dabaw kadalasang lugar dito ay may mga kanya-kanyang mga streetfoods at ang isa sa mga napuntahan ko ay ang lugar natin na tawag nilang Roxas at talagang dinadayo siya nang mga tao.Nag ikot-ikot ako sa roxas at inoobserbahan ko kung anong pagkaing kalye ba ang patok sa mga tao. At may nakita akong sobrang lakas ang kanyang produkto at sadyang dinadayo siya nang mga tao at yun ay tinatawag nilang ‘Chicken dumplings’ na nag kakahalaga lamang na limang piso.Nang natikman ko ito ay talagang sulit siya at ang limang piso mo ay hindi masasayang. Para sa akin isa siya sa mga patok, sikat at sulit na pagkain dito sa roxas. Lalong-lalo na din yung tinatawag ni lang Kwek-kwek o kilala sa maynila na Tokneneng na nag kakahalagang sampung piso lamang. At sulit na sulit din ito gaya ng mga ibang pagkaing kalye at isa sa mga lugar napakasrap na natikman kung kwek-kwek ay sa lugar ng Uyanguren St. Talagang mura na at masarap pa at yan ang mga pagkaing kalye na sobrang patok sa aking panlasa. At may mga hindi rin akong nagustuhan, hindi naman sa hindi nagustuhan hindi lang talaga siya patok sa aking panlasa. Tulad na lamang na tinatawag nilang “Pritong Isaw” ito ay nagkakahalagang limang piso lamang din. Para sa akin hindi siya malinis, kasi nung natikman ko ito ay mapait. Dahil nga siguro ay hindi ito nalinisan ng mabuti sa loob nito at ng matikaman ko ay hindi na rin malutong. IIlan lamang ito sa mga pagkaing patok at hindi patok sa aking panlasa
Ang Pagtangkilik sa Pagkaing Kalye
Bakit nga ba tinatangkilik angPagkaing Kalye?
Maraming mamimili ang dumadayo sa lugar ng Roxas St, San Pedro St, Uyanguren St at sa gilid ng labas ng GMall. Ngunit sa apat na lugar na aming napuntahan higit na marami ang pumupunta sa Roxas St. dahil andito ang tinatawag na "Night Market". Sa lugar na ito patok na patok ang pagkaing kalye kahit ang mga turista ay tumatangkilik din dito. Hindi maipagkakaila na isa na rin ito sa mga lugar na dinadagsa ng mga turista.Nung kami ay sumagawa ng isang pananaliksik ukol sa pagkaing kalye, ilan sa mga kapatid nating pilipino ang kinausap namin. Ayon sa kanila tinatangkilik nila ang pagkaing kalye dahil masarap ito at nabibili sa murang halaga. Hindi mo na kailangang pumunta sa mga magagarbong pagkainan dahil dito swak na swak na sa tiyan at lalo na sa bulsa.Ilan din sa mga nagbebenta ng pagkaing kalye ang aming napagtanungan hingil sa pagtangkilik ng mga tao sa pagkaing kalye, ayon sa kanila mura lang ang pagbebenta ng pagkaing kalye at kanila ding napagtanto na dadagsain ito ng mga tao dahil sa masarap ito at hindi mabigat sa bulsa at dito na rin nila napagkukunan ang kanilang ikinabubuhay araw-araw.Para naman din sa aming mananliksik, Oo nga't masarap ang streefood at hindi siya mabigat sa bulsa dahil sa singko pesos mo may mabibili ka nang bbq na isaw, pritong isaw, at marami pang iba. Kahit inumin mo mga may dagdag pa. San ka pa?Hindi nga maipagkakaila kung bakit tinatangkilik ang pagkain kalye yun nga lang ay dahan dahan ka sa pagkain dito. Mas mabutihin rin nating maingat tayo sa ating kalusugan. Masama kasi ang Sobra.
Pagkaing Kalye
Pagkaing Kalye
(Street Food)
Ano nga ba ang street food? Saan at kailan ba ito nagsimula? Bakit nga ba tayo nahuhumaling sa pagkain ng mga ito?Ilan lamang yan sa mga tanong na hindinatin naiisip habang tayo ay nagpapakasasa sa pagkain ng “street food”.Ang “street food” ay isanguri ng madaliang pagkain o inumin naibinibenta sa gilid ng kalsada o sa mga mataong lugar, katulad ng parke, gilid ng eskwelahan o salabas ng simbahan. Ito ay ibinibenta ng mga tinatawag nating “street vendors”. Ayon sa 2007 napag-aaral ng Food and Agriculture Organization, 2.5 bilyong tao angbumibili at kumakain ng “street food” araw-araw. Ang kadahilanan nito ay dahil mas mura ang “street food” sa ibang komersyal na pagkain at mas malasa. Kumbaga mas nakakasulit ang pagkain ng “street food”.Nagsimula ang “street food” noong sinaunang Griyego. Ang kanilang sinaunang pagkaing kalsada ay isang maliit na pritong isda. Samantalang sa sinaunang Roma naman, ang pagkaing kalye ay kinukunsumo lamang ng mga mahihirap na pamilya. Sa Silangang Asya naman, sa sinaunang Tsina, ang pagkaing kalye ay para sa mahihirap lamang ngunit ang ilan sa mga mayayamang Tsino ay umuutos sa kanilang mga alalay nabilhan sila ng pagkaing kalye at kakainin nila sa kanilang mga pamamahay.Dito sa Pilipinas hindi lamang ang mga nagagandahan nating mga tanawin anghabol ng mga turista kundi pati na rin ang mga samu´tsaring pagkaing kalye na siguradong kahuhumalingan nila.Halimbawa lamang sa mga pagkaing kalye ay ang pinakasikat naisaw. Ito ay maaaring lutuin sa pamamagitan ng pag-ihaw o pag-prito. Bago kainin ay isasawsaw ito saiba´t-ibang klase ng sawsawan at pwede mo ring gawing panulakang buko juice na limang piso kadaisang baso at may refill ka pa.Maraming nagsasabi na ang pagkaing kalye raw ay marumi at nakaka – Hepatitis. Marami rin namang hindi naniniwala rito dahil wala pa nga raw namamatay nang dahil sa pagkaing kalye. Depende rin naman kasi yan sa mga tao eh. Bago ka kumain sa isang tindahan ng pagkaing kalye usisain mo muna kung paano nila niluluto ang pagkain. Kung alam mong hindi maganda ang pagkakaluto eh wag kanang kumain doon at maghanap ka na lang ng iba.
Para sa amin, ang pagkain ng Pagkaing Kalye ay karaniwan na lamang. Pero para sa iba na hindi pa nasusubukan, ito ay isang eksplorasyon. Nakadepende na lamang sa iyo kung masasarapan ka o hindi. Pero ano nga ba ang masama kung susubukan mo, hindi ba?
Subscribe to:
Posts (Atom)