Tuesday, October 6, 2015

Patok at Di Patok






 Mga Pagkaing Patok 
at 
Di Patok sa Panlasa


Sa aking napagtanto sa lahat nang natikaman kong mga pagkaing kalye, talagang may mga gusto at hindi ako gusto. Dito sa dabaw kadalasang lugar dito ay may mga kanya-kanyang mga streetfoods at ang isa sa mga napuntahan ko ay ang lugar natin na tawag nilang Roxas at talagang dinadayo siya nang mga tao.Nag ikot-ikot ako sa roxas at inoobserbahan ko kung anong pagkaing kalye ba ang patok sa mga tao. At may nakita akong sobrang lakas ang kanyang produkto at sadyang dinadayo siya nang mga tao at yun ay tinatawag nilang ‘Chicken dumplings’ na nag kakahalaga lamang na limang piso.Nang natikman ko ito ay talagang sulit siya at ang limang piso mo ay hindi masasayang. Para sa akin isa siya sa mga patok, sikat at sulit na pagkain dito sa roxas. Lalong-lalo na din yung tinatawag ni lang Kwek-kwek o kilala sa maynila na Tokneneng na nag kakahalagang sampung piso lamang. At sulit na sulit din ito gaya ng mga ibang pagkaing kalye at isa sa mga lugar napakasrap na  natikman kung kwek-kwek ay sa lugar ng Uyanguren St. Talagang mura na at masarap pa at yan ang mga pagkaing kalye na sobrang patok sa aking panlasa. At may mga hindi rin akong nagustuhan, hindi naman sa hindi nagustuhan hindi lang talaga siya patok sa aking panlasa. Tulad na lamang na tinatawag nilang “Pritong Isaw” ito ay nagkakahalagang limang piso lamang din. Para sa akin hindi siya malinis, kasi nung natikman ko ito ay mapait. Dahil nga siguro ay hindi ito nalinisan ng mabuti sa loob nito at ng matikaman ko ay hindi na rin malutong. IIlan lamang ito sa mga pagkaing patok at hindi patok sa aking panlasa

No comments:

Post a Comment